“All Things in Due Time”

Hindi kailanman dahilan na patay pa rin magpahanggang ngayon ang Ilog Pasig upang ihinto o kung hindi man patamlayin ang paggawa ng mga lakaran o esplanades sa magkabilang pampang nito. Nangangahulugan nga na dapat pa itong pabilisin. Sapagkat kapag nailatag na ang kabuuuan ng magkabilang esplanades, magiging aktibo na ang ilog at hindi na kailangang sadyain o pilitin pa ang paglilinis, pagpapalalim, pagpapasigla, at pagpapaganda ng ilog at tuloy pagpapabalik ng mga isda, buwaya, at iba pang nilalang sa tubig-tabang na ito dahil magiging pangkaraniwan na lamang na tagpo sa araw-araw ang mga aktibidad na nabanggit. Lahat ng bagay sa tamang panahon. Hindi ba't higit na mainam na maging aktibo muna ang ilog sa pamamagitan ng mga ilalatag na esplanades, at sa gayon ay magiging madaling bagay na lamang pagkatapos nito ang pagsasagawa ng mga aktibidad na magpapanauli ng hininga ng buhay sa ating makasaysayan subalit binalahura o nilapastangang ilog. Ang tawag dito ay mahusay na pagtatantiya at wasto at karampatang paggamit ng lakas at kagamitan.

ni: Marven T. Baldo

Comments